Whaleshares Logo

MAGSISI KAYO AT MAGBALIK-LOOB SA DIYOS UPANG PATAWARIN ANG INYONG MGA KASALANAN.

fherdzPosted for Everyone to comment on, last year2 min read

image.png

Mapagpalang araw sa ating lahat.😊
Nais kong magfocus tayo sa tatlong salita dito sa passage natin ngayong araw - Repent, Turn, at Wiped.

Now repent of your sins and turn to God, so that your sins may be wiped away. -Acts 3:19

Ang ibig sabihin ng repentance ay hindi lang yung bastang nagsabi tayo ng “sorry”. Kasi pwede tayong magsorry pero hindi naman galing sa puso lundi sa nguso kaya walang pagbabago sa buhay natin. Ang repentance ay naintindihan natin na mali tayo kaya nagsisisi tayo at nagcocommit tayo na hindi na natin ulit gagawin ang mga maling bagay na ginagawa natin.

image.png

At dahil ang repetance ay parang 180 degree ang ikot ng buhay natin, ibig sabihin ay iikot tayo sa kabilang direksyon, papaalis sa makasalanan natin na pamumuhay. Pero para masigurado na tama ang bagong direksyon na tatahakin natin ay dapat sa Panginoon tayo titingin (turn to God). Dahil Siya lang makakapag-gabay sa atin sa tamang pamumuhay papalayo sa kasalanan.

image.png

Pero kahit anong pagbabago ang mangyari sa buhay natin, hindi natin kayang baguhin ang mga nagawa na natin na kasalanan. At kahit isa lang ang kasalanan na nagawa natin ay guilty na tayo at ang kaparusahan nito balang araw ay mapupunta tayo sa impyerno. Pero dahil sa ibinigay ni Hesus ang Kanyang buhay bilang kabayaran ng kasalanan natin at kung tinanggap natin ang kapatawaran na ino-offer Niya sa atin, ay lilinisin Niya tayo (Wipe Away). Kung tinanggap natin si Hesus sa buhay natin bilang Diyos at Tagapagligtas natin.

image.png

Jesus wiped away ang lahat ng ating mga kasalanan dahil sa Kanyang ginawa sa krus. Ngunit para maging realidad ang katotohanang ito sa iyong buhay, kailangan mong ILAGAY ANG IYONG PANANAMPALATAYA KAY HESUS. Upang balang araw, kapag tayo ay hahatulan sa katapusan ng ating buhay, ang Diyos ay hindi makikita ang ating mga kasalanan, ngunit ang katuwiran ni Kristo na nasa atin dahil He has covered lahat ng kasalanan na ating nagawa at gagawin.😍🙏

image.png

Photos are mine and taken by me using my A10s
@ Udaneta City, Pangasinan, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


image.png</ce

Sign Up to join this conversation, or to start a topic of your own.
Your opinion is celebrated and welcomed, not banned or censored!