Whaleshares Logo

Sa Anumang Sitwasyon, Ang Ating Tugon Ay Magkakaiba Depende Sa Ating Pananaw At Puso Para Sa Panginoon.

fherdzPosted for Everyone to comment on, last year

image.png

Kahit anong sitwasyon natin maaari natin sabihin na ito ang maaaring maglapit sa atin sa Panginoon o maglayo sa atin sa Kanya. Depende ito sa puso natin at sa pagkakilala natin sa Kanya.

image.png

Halimbawa, maayos at maginhawa ang sitwasyon natin, Pero maaari din natin makilimutan ang Panginoon at magfocus sa pag-eenjoy ng mga makamundong bagay. Minsan naman ay dumadaan tayo sa pagsubok o mahirap ang sitwasyon natin. Maaari ay kahit matagal na tayong hindi lumapit sa Panginoon ay lalapit tayo Sakanya dahil wala na tayong choice dahil ginawa na natin lahat. Pero maaari din na sisihin natin ang Panginoon at lumayo tayo sa Kanya.

image.png

Makikita natin na kahit sa sitwasyon ay magkakaiba ang magiging response natin depende sa pananaw at puso natin para sa Panginoon. Laging alalahanin na lahat ng bagay na pinahintulutan Niyang mangyari ay may purpose Siya at kontrolado Niya lahat ng sitwasyon.Mapayapang araw sa ating lahat.😊🙏❤️

image.png

Photos are mine and taken by me using my A10s
@ Udaneta City, Pangasinan, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


image.png

Sign Up to join this conversation, or to start a topic of your own.
Your opinion is celebrated and welcomed, not banned or censored!