Whaleshares Logo

Don't Just Seek The Blessing, But Seek First The Source Of Blessing.

fherdzPosted for Everyone to comment on, 2 years ago2 min read

image.png

Minsan lagi tayong naghahanap ng wala kaya hindi natin makita kung ano ang meron sa buhay natin. Kaya nakakaramdam tayo ng sobrang pagkabigo, pag-aalala, pagod at panghihina dahil baka mali ang hinahabol natin.

Busy tayo sa paghahanap ng mga bagay na makakapuno sa ating mga pangangailangan sa ating buhay, hanggang sa dumating tayo sa punto na wala na tayong oras para sa Panginoon.

Hindi naman masama, lalo na't ang hangad lang natin ay maiangat ang antas ng ating buhay. Ang masama ay nakakalimot na tayo sa Kanya at isama Siya sa mga plano natin sa buhay. Sabi nga nila, Don't just seek the blessing, But seek first the source of blessing.

But seek first the kingdom of God and his righteousness, and all these things will be added to you. (Matthew 6:33)

image.png

Kaya't isang malaking pagpapala ang paggising sa umaga at muling makita ang mga kamangha-manghang nilalang ng ating Panginoon. Katulad ng isang bubuyog na nakadapo sa isang bulaklak na kay gandang pagmasdan. Magandang araw sa ating lahat.

Photos are mine and taken by me using my A10s
Taken at my home town, Ilocos Sur, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


image.png

Sign Up to join this conversation, or to start a topic of your own.
Your opinion is celebrated and welcomed, not banned or censored!