Whaleshares Logo

Dahil Sa Kanya Ay Walang Imposible At Siya Ang May Kontrol Sa Lahat Ng Bagay.

fherdzPosted for Everyone to comment on, 2 years ago

image.png

Minsan kung may problema ang natural tendency natin ay i-solve kaagad yung problema. Pero alam din natin na meron mga problema na kahit gusto natin diskartehan ay sadyang imposible at wala na sa kontrol natin. Ito yung mga sitwasyon na hirap tayo, na parang bibigay na tayo dahil parang walang pag-asa.

image.png

Nais ko kayong i-encourage na imbis na pinipilit natin laging diskartehan ang mga sitwasyon natin ay sana matutunan natin ilapit ito sa Panginoon. Dahil sa Kanya ay walang imposible at Siya ang may kontrol sa lahat ng bagay. Mahal tayo ng Panginoon. Hindi Niya tayo pababayaan. Pero nais ko din ipaalala sa atin na kung nagdarasal tayo sa Panginoon ay matutunan din sana natin na magtiwala at tanggapin yung ibibigay Niya sa atin at hindi yung kung ano yung gusto natin. Mapagpalang araw sa ating lahat.🙃

image.png

Photos are mine and taken by me using my A10s
Taken at San Fernando City, La Union Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


image.png

Sign Up to join this conversation, or to start a topic of your own.
Your opinion is celebrated and welcomed, not banned or censored!