Whaleshares Logo

Sa Likod Ng Bawat Ngiti.

fherdzPosted for Everyone to comment on, 2 years ago

image.png

Hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan ng ibang tao. Minsan yung laging nakangiti na parang walang problema pero pinagdadaanan pala nila ang pinakamahirap na laban sa buhay... Dahil sa laging nakangiti sa labas pero hindi naman natin alam ang mga problema sa loob na kinakaharap nila.

Kaya huwag manghusga ng ibang tao. Ang mga tao ay nagsusuot ng maskara, at ang kanilang hitsura sa labas ay hindi palaging nagsasabi ng totoo tungkol sa kung ano ang nangyayari sa loob.

ngiti.jpg

Kung tayo ay nasa sitwasyon na kinakaharap natin ang ating mga laban ngayon... Lumapit tayo sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsunod sa Kanyang patnubay. Kasama natin Siya sa ating mga laban, kapag ibigay natin ang mga sitwasyon sa Kanya, binibigyan Niya tayo ng lakas at kapayapaan para harapin ang ating laban. Mapagpalang araw sa ating lahat.🙂

Photos are mine and taken by me using my A10s
Taken at Bahay Na Bato Art Gallery, Luna, La Union, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


image.png

Sign Up to join this conversation, or to start a topic of your own.
Your opinion is celebrated and welcomed, not banned or censored!