Whaleshares Logo

ANG KABUTIHAN AT KATAPATAN NG DIYOS AY HINDI NAGBABAGO

fherdzPosted for Everyone to comment on, last year2 min read

image.png

Madali natin sabihin na “God is good” kung nasa sitwasyon tayo ng buhay natin na successful tayo at nasagot ang prayer natin.
Pero papaano kung nasa sitwasyon tayo na nalugi ang negosyo natin, natanggal tayo sa trabaho, maghihiwalay na ang magulang natin, may cancer tayo, galit sa atin ang mga anak natin, at napakarami pang ibang sitwasyon, masasabi parin ba natin na “God is good”?

image.png

Ang problema natin ay tinitignan natin at jina-judge natin ang goodness ni God base sa sitwasyon na meron tayo. Mali ito. Dahil si God ay HINDI NAGBABAGO. He is the same yesterday, today, and forever. Kaya kung Goodness ang nature ni God nung nilikha Niya ang mundo natin, kung Goodness ang nature Niya nung bumaba Siya sa mundo natin para ibigay ang buhay Niya para sa kapatawaran ng kasalanan natin, ay Goodness padin ang nature Niya kung babalik Siya balang araw para husgahan ang mga taong walang pananampalataya sa Kanya.

image.png

Hindi nagbabago ang Panginoon. Kaya pwede natin panghawakan ang Goodness Niya, kahit ano ang sitwasyon natin. Dahil kahit dumadaan tayo sa matinding pagsubok sa buhay natin, GOOD padin si God dahil maganda padin ang plano at hangad Niya para sa atin kaya ito sana ang hanapin natin sa sitwasyon natin. Wag tayo magfocus sa hirap at sakit ng problema natin, pero mag focus tayo sa goodness at love ni God para makita at maintindihan at ma-experience natin na kahit mahirap ang pinagdaraanan natin ay mahal tayo ng Diyos at may joy at peace padin tayo kasi secured tayo sa Goodness at Love Niya para sa atin.

image.png

Kung sino si Hesus sa iyong buhay ay napakahalaga. Dahil ang TAMANG PANANAW kay Hesus ay makakaapekto sa kung paano mo tinitingnan ang LAHAT ng mga pangyayari sa iyong buhay. Kung ALAM mo, NAUUNAWAAN, at DINARASAN mo ng personal na mahal ka ng Diyos, anuman ang hirap na pagdaanan mo, magiging payapa ka at mararanasan mo ang saya dahil nakaangkla ka sa PAGMAMAHAL at KABUTIHAN ng Diyos. Ibigay ang iyong buhay kay Hesus ngayon, Siya lamang ang makapagbibigay sa iyo ng kapayapaan, katiwasayan, at kagalakan na iyong hinahanap.

image.png

Photos are mine and taken by me using my A10s
@ Ilocos Sur, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


image.png

Sign Up to join this conversation, or to start a topic of your own.
Your opinion is celebrated and welcomed, not banned or censored!